GMA writer na si Suzette Doctolero binanatan ang pagtaya ni Pangulong Duterte sa lotto “Bad publicity. Mukhang greedy ang presidente”




Hindi natuwa ang GMA 7 writer na si Suzette Doctolero sa paglabas ng balitang tumaya sa lotto ang Pangulong Duterte. Kaya naman, sa isang tweet ay inihayag niya ang kanyang saloobin.


“Bad publicity. Mukhang greedy ang presidente. Mukhang nakipagkumpetensya pa sa mamamayang nangangarap manalo. Kung sinuman ang nakaisip ng gimmick na ito, dapat sipain. Engot,” tweet ni Suzette.

Hindi naman ito sinang-ayunan ng ilang netizens na nagsabing hindi porke public and elected officials, greedy na kapag tumaya sa lotto.


Lalong dumarami ngayon ang nangangarap na tumama sa lotto dahil umabot na sa halos 1 bilyon ang jackpot prize. Kaya naman hindi na bago na makakita ng mahabang pila sa lotohan.




Source: kami.ph



Loading...

No comments:

Powered by Blogger.